Maghintay
Ano itong aking nararamdaman? Maski sarili ko'y di ko maintindihan Masaya na malungkot.. Ah ewan! Basta! Lahat ng ito'y kagustuhan Hindi ako nagsisisi sa aking ginawa Pag-aalinlangan sa sarili biglang nawala Mga nararamdaman na sa puso nagsimula Tinapos at tinuldukan ng utak ko bigla Ito'y aking ginawa kahit ako'y nasaktan Upang mga katanungang ito'y kusa nang lumisan Na hindi masagut-sagot noon Ngunit burado na lahat ngayon Ngayon ko lang napagtanto Hindi pala lahat para sayo May mga taong sadyang di' ka gusto Kaibigan lamang talaga ang siyang turing sayo May mga taong para naman sayo Ang tamang gawin lang ay maghintay ng tamang tyempo Tamang oras.. Tamang panagon.. Tiyak ko, darating din iyon!