Maghintay

Ano itong aking nararamdaman?
Maski sarili ko'y di ko maintindihan
Masaya na malungkot.. Ah ewan!
Basta! Lahat ng ito'y kagustuhan

Hindi ako nagsisisi sa aking ginawa
Pag-aalinlangan sa sarili biglang nawala
Mga nararamdaman na sa puso nagsimula
Tinapos at tinuldukan ng utak ko bigla

Ito'y aking ginawa kahit ako'y nasaktan
Upang mga katanungang ito'y kusa nang lumisan
Na hindi masagut-sagot noon
Ngunit burado na lahat ngayon

Ngayon ko lang napagtanto
Hindi pala lahat para sayo
May mga taong sadyang di' ka gusto
Kaibigan lamang talaga ang siyang turing sayo

May mga taong para naman sayo
Ang tamang gawin lang ay maghintay ng tamang tyempo
Tamang oras.. Tamang panagon..
Tiyak ko, darating din iyon!

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Assignment 5

Operating System: Case Study 5

Travel Report - Major Field trip and Seminars